Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Drown

Binatilyo tumalon sa ilog, nalunod

Bernard Galang Jul 9, 2025
315 Views

ISANG 18-anyos na binatilyo ang nalunod noong Lunes matapos tumalon sa ilog sa Bgy. Dawe, Minalin, Pampanga.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., kinilala ni Pampanga police director Col. Eugene M. Marcelo ang nasawi na si alyas Jercy, manggagawa sa fishpond, at residente ng Purok 6, Brgy. Dawe, Minalin.

Ang insidente ay ini-report sa pulisya ni Barangay Dawe Chairman Richard Zurilla. Sinabing ang biktima ay nakitang tumatakbo habang umuulan saka biglang tumalon sa ilog ngunit hindi na muling lumutang.

Ito ang nagtulak sa pulisya na magsagawa ng search operation sa pangunguna ng mga miyembro ng Minalin Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, na naging dahilan para ma-retrieve ang bangkay ng biktima.