Calendar
Source: File photo
60 gramo ng shabu nakuha sa drug suspek
NASAKOTE ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 kasama si San Fernando City Mayor Vilma Balle-Caluag noong Miyerkules ang drug suspek na may pag-iingat na 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.
Nahuli ng mga miyembro ng PDEA, Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Fernando City police si alyas Joven, 23. Narekober mula sa suspek ang hindi bababa sa 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek.
Pinuri ni Mayor Caluag ang mga pulis sa ilalim ni Lt. Col. Aris Gonzales dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng misyon.
Tiniyak ni Mayor Caluag sa mga pulis ang kanyang buong suporta at sinabing magbibigay siya ng mga kagamitan at logistics upang mapanatili ang kanilang mga pagsisikap na labanan ang krimen.

