Calendar
Ang magkaibigang Rep. Tony Roman at Mayor Jon Arizapa.
Fish landing facility sa Orani binubuhay
ORANI, Bataan–Tinanggap noong Miyerkules ni Mayor Jon Arizapa ang mga top officials ng World Bank na bumisita sa Orani Fish Landing and Trading Facility sa bayang ito.
“Malugod nating tinanggap ang World Bank Implementation Support Missions para sa DA-PRDP Scale-Up sa site visit sa Orani Fish Landing with Trading Facility, ang pinakamalaking proyekto ng World Bank sa buong Central Luzon,” sabi ni Mayor Arizapa.
Kasama ang Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture, Provincial Government of Bataan, at Sangguniang Bayan ng Orani, ininspek nina Mayor Arizapa ang progress ng project.
Pinakinggan din nila ang saloobin ng mga mangingisda at consignee na pinaniniwalaan ng mayor na isang isang hakbang tungo sa mas maunlad na fishing industry sa Orani.
Adhikain ng project na maibalik ang state of excellence ng lugar matapos mapabayaan ng mahabang panahon.
Naniniwala si Mayor Arizapa na ang project: “will significantly contribute to the growth of the economy in Orani and nearby towns in Bataan.”

