Bangkay

Patay nakita sa kalsada

Bernard Galang Jul 12, 2025
393 Views

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki noong Biyernes sa kalsada sa Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr., sinabi ng Norzagaray police na ang lalaki ay nakasuot ng boxer shorts at isang asul na sando at nakatakip ang mukha.

Isang concerned citizen ang nagpaalam sa pulisya tungkol sa bangkay na natagpuan sa kalsada.