Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Provincial
Parak sinisilip paghihiganti na ugat ng pagkamatay ng 2 sa NE
Steve A. Gosuico
Jul 14, 2025
304
Views
CABANATUAN CITY–Ipinalalagay ng mga pulis na paghihiganti ang posibleng motibo sa pagpatay sa dalawang lalaki na natagpuan ang bangkay na tadtad ng bala sa loob ng Nissan pick up (XPP-844) sa Brgy. Valle Cruz sa syudad na ito.
Sinabi ni City police head Lt. Col. Renato Morales na ang bangkay ng mga biktimang sina Bernardo Atacador at Rodrigo Dionisio ay nakuha na ng kanilang pamilya.
“Tinitingnan namin ang paghihiganti bilang paunang motibo para sa insidente,” sabi ni Morales.
Narekober ang mga basyo ng bala ng cal. 45 sa loob at paligid ng sasakyan.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na nakarehistro ang pick-up truck sa isang taga-Laur, Nueva Ecija ngunit si Atacador ang kasalukuyang may-ari nito.
NHA nagbigay ng bahay sa 200 benepisyaryo
Apr 24, 2026
Hepe ng parak sa PRO 4A nagpalitan
Apr 24, 2026
Noveleta TODA members, bangkero nakatanggap ng ayuda
Apr 24, 2026
Lalaki kulong sa 3 kaso ng gahasa, 3 kaso ng asalto
Apr 24, 2026
MASS WEDDING
Apr 23, 2026

