Calendar
Taas-pasahe pinag-aaralan ng LTFRB
PINAG-AARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon na itaas sa P14 o P15 ang minimum na pamasahe sa jeepney.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na tinitignan na rin ng ahensya ang petisyon ng transport network vehicle services (TNVS) at bus na magtaas din ng pamasahe.
Humihingi ang TNVS na Grab ng P20 dagdag sa flag down fare samantalang ang mga bus ay humihingi ng P4 hanggang P7 dagdag sa minimum na pamasahe.
Ayon kay Cassion binabalanse ng LTFRB ang interest ng mga driver at ng mga mananakay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang epekto nito sa pagmahal ng bilihin.
Noong Hunyo 8, inaprubahan ng LTFRB ang P1 provisional increase sa minimum na pasahe sa jeepney o pagtaas nito sa P10.
Inaasahan naman na maghahain na rin ang mga grupo ng taxi operator ng taas-singil.