LTFRB

Nalalabing 15k fuel subsidy beneficiaries makatatanggap na ngayong linggo

136 Views

NASA 15,000 na benepisyaryo ng fuel subsidy program ang makatatanggap na ng benepisyo ngayong linggo, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na mayroon ng debit authority ang Landbank of the Philippines para ibigay ang benepisyo sa 264,000.

Sa bilang na ito nasa 15,000 pa ang ipinoproseso ng Landbank at inaasahang matatapos ngayong linggo.

Ayon kay Cassion ipauubaya na ng LTFRB sa susunod na administrasyon ang pamimigay ng ikalawang tranche ng fuel subsidy.

Naglaan ang gobyerno ng P5 bilyon para sa fuel subsidy ngayong taon.