Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Nakaw Ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng misting pump sa evacuation center sa Delpan Sports Complex sa Binondo, Manila. JONJON C. REYES

Misting pumps sa evac center ninenok, 2 sa 4 na suspek tiklop

Jon-jon Reyes Jul 24, 2025
187 Views

INARESTO ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District (MPD) ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng misting pump at dalawa naman ang nakaeskapo sa loob ng Delpan evacuation center sa Delpan St., Binondo, Manila noong Miyerkules.

Dalawa sa apat na suspek, sina alyas Allen,19, at Abalos,18, ang natimbog ng San Nicolas Police Community Precinct ng Station 11.

Tinutugis pa ang mga kasabwat na sina alyas Paopao, 22, at isang hindi pa nakikilala.

Sa ulat ni Police Master Sergeant Alberto Ignacio ng Station Tactical Operation Center, may mga nawawalang gamit sa loob ng evacuation center tulad ng limang misting pump. Tatlo ang nawawala pang pump habang dalawa ang narekober sa isinagawang follow up ng mga pulis.

Bandang alas-11:20 ng umaga ng dinampot ang dalawang suspek.

Ang mga suspek ay pawang nahaharap sa kasong theft.