Kulong

Factory worker nagwasiwas ng patalim sa Malabon, kulong

Edd Reyes Jul 25, 2025
217 Views

DINAKIP ng mga pulis ang factory worker dahil sa pag-aamok habang armado ng patalim noong Huwebes sa Malabon City.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Allan Umipig sa Brgy. Santulan nang itawag sa 911 ang pagwawala at paghahamon ng patayan ni alyas Mhar.

Naabutan pa ng mga pulis sa aktong nagwawala ang suspek habang nagwawasiwas ng hawak na patalim.

Nang lapitan ng mga pulis at hinimok na kumalma ang suspek, lalo pa itong nagwala, nagsisigaw at nagmura si alyas Mhar dahilan para gumamit ng puwersa ang pulisya para siya madakip.

Kasong alarm and scandal at paglabag sa BP-6 o illegal possession of deadly weapon ang isasampa laban sa suspek sa piskalya ng Malabon.