Calendar
2 lalaki pumasok sa HS bldg sa Bocaue para magnenok
DALAWANG lalaki noong Linggo ang nanloob sa isang high school building at tinangay ang mga gadget at cash na nagkakahalaga ng P108,000 sa Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., ni-report ni Taal High School principal Neri Dizon, 43, ang pagnanakaw.
Base sa imbestigasyon, walong silid ng Taal High School ang puwersahang binuksan at tinangay ang laptop na nagkakahalaga ng P40,000 mula sa Guidance Office; monitor na nagkakahalaga ng P9,000 at hindi bababa sa P52,000 cash mula sa Finance Office; P3,000 cash mula sa school canteen; at P4,500 cash mula sa Faculty Room para sa kabuuang halaga na P108,000
Apat na iba pang silid–ang Library, Home Economics Room, Learning Resources Room, at ang Principal’s Office–ay natagpuang magulo ngunit walang naiulat na may nawawala.
Nakita ng mga rumespondeng pulis sa CCTV footage ang dalawang hindi kilalang lalaki na pumasok sa loob ng paaralan at sa iba’t-ibang silid saka kinuha ang mga gamit at pera.

