Bruno

176 traffickers ng droga, arestado sa Ecija

Steve A. Gosuico Jul 27, 2025
295 Views

CABANATUAN CITY–Pumalo sa 176 na illegal drug traffickers ang naaresto at mahigit P5 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa Nueva Ecija kamakaipan.

Nagawa ito sa ilalim ni Col. Heryl Bruno sa unang 30 araw niya bilang bilang Nueva Ecija cop chief.

Nagsagawa ng 129 anti-illegal drug operations kung saan 176 na suspek ang nahuli at nasamsam ang shabu shabu na tumitimbang ng 336.34 gramo at marijuana (13.5 kilos) na nagkakahalaga ng P5,017,830.60.

Sa pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person, nasakote ang 114 na indibidwal na sangkot sa sari-saring krimen.

Ang kampanya laban sa loose firearms ay nagresulta din sa pagrekober ng 42 baril at pagkakaaresto ng 15 indibidwal sa pamamagitan ng police responses, pagpapatupad ng search warrants at PNP Balik Baril Program.

Bilang suporta sa NTF-ELCAC, walong indibidwal ang nag-withdraw ng kanilang suporta mula sa insurhensya habang tatlo naman ang sumuko.

Ang manhunt operations laban sa mga organized crime gangs ay humantong sa pag-aresto sa apat na suspek.

“Ang mga nagawa natin sa ngayon ay simula pa lamang,” sabi ni Bruno.