Sunog

Bahay 3X nasunog dahil sa kapabayaan, may-ari sinermonan

Edd Reyes Jul 27, 2025
201 Views

TAKOT at galit na ang nararamdaman ng mga residente sa may-ari ng bahay sa Navotas City dahil tatlong beses nang nasusunog ang bahay niya dahil sa kapabayaan.

Bagama’t inabot lamang ng unang alarma ang sunog na tumupok sa bahay ni alyas Norman sa Daning Bangus, Brgy. Tangos South noong Linggo ng bago ideklarang fire out, hindi maitago ng kanyang mga kapitbahay ang pangamba at ngitngit dahil iyon na ang ikatlong ulit na nasunog ang bahay.

Sa ulat ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy pasado alas-2:00 ng madaling araw at naapula dakong alas-2:55 ng madaling araw.

Aminado si alyas Norman na naiwang nakasinding kandila ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na mabilis tumupok sa kanilang tirahan na gawa lamang sa light materials.

Walang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naturang sunog na tumupok sa hindi pa batid na halaga ng ari-arian.