Isko3 Iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno ang mga arestadong suspek. Kuha ni JONJON REYES Inline image

Bagong holdap modus: Alalay sa pasaherong sasakay sabay salakay

Edd Reyes Jul 29, 2025
169 Views

TIMBOG ang 16-anyos na holdaper pati ang buyer ng gintong kuwintas na kanyang tinangay sa babaeng estudyante Lunes ng gabi sa Paco, Maynila.

Iprinisinta ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) kay Mayor Isko Moreno Domagoso ang menor-de-edad na suspek at ang 40-anyos na bumibili at nagbebenta ng ginto na si alyas “Peter” matapos na mabawi sa kanya ang gintong kuwintas.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng Kartilya ng Katipunan noong Linggo ng gabi ang 22-anyos na biktimang estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), kasama ang kaibigang estudyante, nang tulungan sila ng suspek na makasakay sa pampasaherong jeep.

Sumakay din ang suspek at dito na tinutukan ng patalim ang biktima at puwersahang kinuha ang kanyang suot na gintong bracelet na nagkakahalaga ng P21,000.

Pinasasampahan ng alkalde kay Maj. Samonte ng kasong paglabag sa Anti Fencing Law si alyas Peter habang robbery naman sa menor-de-edad na binatilyo sa Manila City Prosecutor’s Office.