Calendar
Ang binatilyong suspek na may kasong robbery matapos maaresto ng mga awtoridad sa Binondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
Binatilyong walang trabaho, dahil sa pagnanakaw natiklo
ISANG 15-anyos na binatilyo ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 (MPD-PS 12) dahil sa kasong robbery o pagnanakaw.
Ang suspek na nakilalang si alyas Batotoy, walang trabaho, jobless ng Barangay 275 Binondo, Manila, ay natunton sa loob ng Women’s Desk office, Lunes ng hapon.
Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand Omli, hepe ng Inteligence Warrant and Subpoena Section, bandang 2:40 p.m. nang madiskubre ang kaso ang binatilyo.
Nabatid kay Police Lieutenant Colonel Francis Balais, Station Commander, una nang nakipag-ugnayan ang kanyang mga tauhan sa Manila District Social Welfare and Development ( MDSWD) hinggil sa kaso ng binatilyo.
Naaresto ang batang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Lorenza Baria-Siosana, ng Regional Trial Court, Branch 38.
Nagrekomenda ang kore ng pyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Isinailalim sa physical examination ang menor de edad sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

