Calendar
Prexy ng Barako Eagles Club sa PCR: Pulis, publiko magtulong na Bagong Pilipinas isulong
BILANG pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Police Community Relations (PCR), nagsagawa ang Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa ilalim ni PCol. Geovanny Emerick Sibalo, provincial director, ng culminating ceremony noong Hulyo 31 sa Camp Gen. Miguel Malvar, Batangas City.
Ang kaganapan ay nagtapos sa mga aktibidad na nakatuon sa komunidad na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Philippine National Police at ng publiko.
Dumalo sa event si Wildy “Meng” Tan, Pangulo ng Barako Eagles Club, isang negosyante at pilantropo, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Binigyang-diin ni Tan ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtiyak ng kaligtasan ng komunidad at ang mahalagang papel ng kooperasyon ng pulisya at publiko sa pagbuo ng Bagong Pilipinas.
Kinilala ang mga natatanging yunit at tauhan para sa kanilang huwarang pagganap sa PCR na malaking ambag sa tagumpay ng mga aktibidad ng PCR Month ngayong taon.

