PRO3 natimbog most wanted dahil sa gahasa, murder sa CL

Bernard Galang Aug 2, 2025
198 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Naaresto ang 2 sa pinaka wanted na kriminal ng Police Regional Office 3 (PRO-3) noong Biyernes.

Naaresto din ng mga pulis sa pamumuno ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones ang apat na iba pang most wanted sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.

Kabilang sa mga naaresto si alyas Tino, 44, na wanted sa kasong murder.

Sa Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan nahuli si alyas Oca, 28, na wanted sa dalawang bilang ng rape. Inaresto siya ng mga miyembro ng Hermosa police.

Si alyas Villa, 23, inaresto sa Brgy. Matangtubig, Baliuag, Bulacan dahil sa dalawang bilang ng panggagahasa.

Ang sabay-sabay na operasyon ng Jaen police sa Brgy. Sto. Tomas North, Jaen, Nueva Ecija, ay nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas De Jesus, 47, na pinaghahanap dahil sa murder.