Santiago1 Pinasalamatan ni NBI Director Jaime Santiago ang mga ahente ng NBI sa pagkakahuli sa dalawang Malaysian nationals na lumabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

2 arestado sa paglabag sa cybercrime law

Jon-jon Reyes Aug 12, 2025
370 Views

ARESTADO sa joint operation ng National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO), Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) AT Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Malaysian National sa Cebu City araw noong Biyernes dahil sa pamamahagi at paggamit ng mga bawal na transceivers ng mga dayuhan.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, may humingi ng tulong mula sa deputy executive director ng CICC hinggil sa diumano’y pamamahagi at paggamit ng mga bawal na transceiver ng mga dayuhang naninirahan sa mga hospitality establishments sa Cebu City.

Ang pagbibigay ng transceiver humantong sa pag-aresto sa mga suspek na sina Chong Hong Yee at Kim Chui Tan, na natagpuang may hawak at nagpapatakbo ng mga ilegal na transceiver at sniffing device (IMSI Catcher).

Kinumpirma ng Regional Cybersecurity Head ng DICT-7 at Cybercrime Investigator mula sa CICC na ang mga laptop, Raspberry Pis, antenna at iba pang modular setup ay cellular at data sniffers.

Napansin nila na ang lakas ng mga module at antenna maaaring makakuha ng data hanggang sa 5G network. Ang mga natuklasan na ito ay sinang-ayunan ng abogado ng NTC at idinagdag na ang ilan sa mga tool ay nangangailangan ng pag-apruba mula sa NTC bago gamitin.

Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012.”