Vic Reyes

Christmas spirit ng Pinoy buhay na

Vic Reyes Aug 20, 2025
459 Views

MAGANDANG araw sa ating mga taga subaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

***

Sa tingin natin ay determinado si Pangulong Bongbong Marcos na mag-iwan ng ‘di-malilimutang legacy.

Dapat tulungan natin ang gobyerno ni Marcos para ma-achieve nito ang mga pangarap para sa taumbayan.

Ang mga kurakot ay dapat makulong.

Masyado ginawa nilang pagnanakaw. Lalo na ang mga sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH.

Nakatitindig-balahibo ang ginawa nilang kawalanghiyaan. Halos wala ng natirang pera para sa mga proyekto.

Ang siste, patuloy ang paglubog natin sa baha at habang patuloy ang paglubog sa utang ng bansa.

Mga walanghiya!

Tigilan na ninyo ang Pandurugas sa kaban ng bayan.

***

Siguradong tuloy-tuloy na ang pagtaas ng koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) habang papalapit ang Pasko.

Dumarating na kasi sa bansa ang iba’t ibang Christmas items na mabiling-mabili sa mga Pinoy para sa panahon ng kapaskuhan.

Sa totoo lang, maagang nagkakaroon ng Christmas sale ang mga malalaking shopping malls sa bansa.

Buhay na buhay kasi ang Christmas spirit sa mga Pinoy.

Hindi nawawala sa atin ang exchange gifts.

Usong-uso ang pamimigay ng Christmas gift sa mga kamag-anak, kaibigan, inaanak at iba pa.

Ngayon pa nga lang ay marami ng namimili ng mga ire-regalo sa Pasko.

Habang papalapit kasi ang Kapaskuhan ay tumataas rin ang presyo ng mga pang-regalo, na kagaya ng damit, sapatos, relo, celfon at maging mga laruan.

Kaugnay nito, marami ang umaasa na makakamit ng BOC ang kanilang 2025 revenue collection target na P1 trilyon bago matapos ang taon.

Ang kailangan lang ay mabantayang mabuti ni Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno ang pinaggagawa ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Tama ba kami, Finance Secretary Ralph Recto?