eBus gugulong na sa Bataan

Christian Supnad Aug 23, 2025
262 Views

BATAAN–Gagamit na ang lalawigang ito ng Love eBus para panatilihing luntian at earth-friendly ang paligid, ayon kay Gov. Joet Garcia.

Nakipagpulong na ang gobernador sa mga kinatawan ng Basic Energy/Ecology Builders Development Corporation (EBDC) at Y Energy para sa rollout ng electric buses.

Tinalakay sa pulong ang mungkahi para sa green mobility solution sa Bataan.

Bahagi ng kanilang presentasyon ang paggamit ng electric minibuses (Love eBus) na gagamit ng renewable energy mula sa solar power sa Mariveles, ayon sa gobernador.

Sinabi rin ni Gov. Garcia na kanilang inilahad ang intensyon na maglagay ng solar roof panels sa mga pampublikong paaralan sa Bataan upang mas mapalawak ang paggamit ng malinis at sustainable na enerhiya.

Layunin nitong magbigay ng mas malinis at makabagong sistema ng transportasyon na makakatulong na mabawasan ang polusyon, magtataguyod at nangangalaga sa ating kalikasan at magsusulong ng sustainable development sa Bataan.

“Lubos po ang ating paniniwala na sa mga inisyatibong gaya nito,” dagdag ng gobernador.