Drugs

PRO-4A nakasabat ng P1.9M droga, 36 drug suspek

354 Views

CAMP BGEN VICENTE P. Lim–Umabot sa 36 na suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga ang naaresto ng Police Regional Office (PRO)-4A sa ilalim ng pamumuno ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas.

Sa isinagawang 31 operasyon, mula Setyembre 5, nasamsam ang mahigit P1.9 milyong halaga ng droga.

Apat ang itinuturing sa mga nahuli na miyembro ng big time drug syndicates at 32 ang street level Individuals (SLIs).

Nakumpiska mula sa mga operasyon ng 162.53 na gramo ng shabu at 4,096 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang P1,989,684.

Kaakibat ng pagtutok ng kapulisan ang matinding operasyon sa direktiba ng ni PNP acting chief P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Hindi natin hahayaang manaig ang iligal na droga na sumisira sa kinabukasan ng ating kabataan at pamilya, ” ayon kay Lucas.