Calendar
Isinasalaysay ni NBI Director Jaime Santiago ang pag-aresto sa suspek dahil sa paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Act. JONJON C. REYES
Kelot umiskor sa bubot na bebot, tiklo
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Bataan District Office ang isang 19-anyos na obrero matapos ireklamo ng sexual abuse at pakikipagtalik sa 17-anyos, isang menor-de-edad, na babae sa Bataan noong Miyerkules sa Balanga City, Bataan.
Sa direktiba ni NBI director Jaime Santiago, inaresto ang suspek na si alyas Ar-Jay dahil sa paglabag sa RA 7610 at RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Act) at Anti-Child Sexual Abuse.
Naaresto ang suspek ng magreklamo ang ina ng biktima.
Ayon sa report ng NBI, ang suspek ay nagkaroon ng sekswal na relasyon sa biktima ng tatlong 3 buwan mula Mayo 2025.
Natuklasan ng ina ng biktima na ang suspek pinagsasamantalahan ang kanyang anak sa pamamagitan ng mga mensaheng ipinadala ng suspek sa cellphone ng biktima.
Sa pagbabasa ng mga mensahe, nalaman ng ina ng biktima na ang suspek humihingi ng mga video ng kanyang anak habang sila’y nagtatalik.
Nagbanta rin sa biktima ang suspek na ilalantad ang kanilang sekswal na relasyon sa ina ng biktima at mga kaibigan kung tumanggi siya.
Ang suspek ay iniharap sa City Prosecutor’s Office ng Balanga City na nagrekomenda na siya’y kasuhan para sa paglabag sa RA 7610.

