Landslide Source: FB

Landslide sa Mauban, Quezon; 1 patay, 1 nawawala

Zaida Delos Reyes Sep 15, 2025
315 Views

ISA ang kumpirmadong patay habang isa ang nawawala matapos na matabunan ng lupa ang isang bahay sa naganap na landslide nitong Linggo ng gabi sa Sitio Aluhing Maliit, Barangay San Lorenzo, Mauban Quezon.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Batay sa ulat ng Mauban Police, naganaop ang insidente dakong 8:50 ng gabi kasabay ng malakas na uylan dulot ng low pressure area (LPA) sa lugar.

Sa inisyal na ulat, lima katao ang nasa loob ng bahay nang maganap ang trahedya.

Gayunman, tatlo lamang sa mga ito ang nakalabas habang naiwan ang dalawa pa nilang kasamahan.

Agad namang nagsagawa ng search ang rescue operation ang mga tauhan ng Mauban, Municipal Disaster Risk Reduction ang management Office para makita ang isa pang nawawalang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.