Tumatawid sinalpok ng SUV, nakarating sa ospital

Edd Reyes Sep 15, 2025
332 Views

ANIM katao, kasama ang 2-anyos na batang babae, ang sugatan ng masalpok ng puting Ford Everest noong Linggo sa Muntinlupa City.

Nagpapagaling sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Hospital and Medical Center ang mga biktimang sina Saly Del Mundo, 69; Walfredo Del Mundo, 71; Emelyn Paler, 48; Jane Fernandez, 23; Genoveva Espinosa, 51; at ang 2-anyos na bata.

Sa ulat kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, nangyari ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa tapat ng isang mall sa Alabang habang tumatawid sa pedestrian lane patungo sa South Park Center ang mga biktima.

Nagulat na lang ang mga nakasaksi nang biglang araruhin ng Ford Everest ang mga tumatawid na biktima na dahilang upang tumilapon ang karamihan sa kalsada.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang hindi pinangalanang driver ng SUV sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.