Against all odds ang peg
Dec 22, 2024
Obrero nasakote sa boga, bala
Dec 22, 2024
4 pang palengke magbebenta ng P40/kilo rice
Dec 22, 2024
6 na gun-for-hire suspek tiklo sa Caloocan
Dec 22, 2024
MMFF Parade of the Stars lumarga sa Manila
Dec 22, 2024
Calendar
Health & Wellness
Aktibong COVID-19 cases sa bansa lumobo sa 14,464
Peoples Taliba Editor
Jul 13, 2022
170
Views
UMAKYAT sa 14,464 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Hulyo 12.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) may nadagdag na 1,363 bagong kaso ngayong Martes.
Ang Metro Manila pa rin ang may pinakamataas na kaso na umabot sa 8,264.
Sa kabuuan ay 3,721,413 na ang nahawa ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na ito ay 3,646,309 ang gumaling at 60,640 nasawi.
Muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ang mga nagkakaroon umano ng severe at critical symptoms ng COVID-19 ay ang mga walang bakuna.