Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Health & Wellness
Aktibong COVID-19 cases sa bansa lagpas 11k na
Peoples Taliba Editor
Jul 8, 2022
574
Views
LUMAGPAS na sa 11,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 1,936 ang mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong Hulyo 7.
Dahil dito ay 11,370 na ang mga aktibong kaso.
Sa mga bagong naitalang kaso, 849 ang nasa Metro Manila.
Umabot na sa 3,713,131 ang lahat ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa kung saan 3,641,136 ang gumaling at 60,625 ang namatay.
Nauna ng sinabi ng DOH na tumataas ang positivity rate sa bansa o bilang ng mga nagpopositibo sa mga sumasailalim ng test.
