Vergeiri

DOH nakapagtala ng 60 bagong kaso ng Omicron BA.5

151 Views

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng dagdag na 60 kaso ng Omicron BA.5 cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga bagong kaso ay naitala sa Region VI (58 indibidwal) at tig-isa sa Region XI at XII.

Patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon ng DOH kaugnay ng mga bagong kaso upang malaman kung mayroong galing sa ibang bansa sa mga ito.

Isa umano sa mga nahawa ng Omicron BA.5 ay hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 samantalang bineberipika pa ng DOH kung nabakunahan o hinid ang 59 na iba pa.

Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 17 bagong kaso ng BA.2.12.1.

Sa naturang bilang anim ang mula sa Region VI, 10 sa Region XI at isa ang returning overseas Filipino (ROF).

Ang 15 sa mga ito ay magaling na samantalang ang dalawa pa ay naka-isolate.