BI

BI natuwa sa LGUs, govt agencies sa pagbabantay ng backdoor channels

Jun I Legaspi Sep 21, 2025
259 Views

PINURI ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabantay ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng pamahalaan sa pagsubaybay sa mga backdoor channels na ginagamit sa pagpupuslit ng mga biktima ng human trafficking para dalhin sa abroad at pagtrabahuhin.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, 14 na biktima ng human trafficking ang nasagip sa Rizal, Palawan at naaresto rin ang apat na suspek sa human trafficking.

Sinabi ng mga nasagip na inutusan sila ng kanilang mga recruiter na iwasan ang mga airports para hindi mahuli sa immigration counters, at sa halip sa mga rutang pandagat dumaan upang makalabas ng bansa.

Binigyang-diin ni Viado na bagama’t hindi direktang nakatalaga ang BI sa pagbabantay sa mga rutang ito, suportado ng ahensya ang mga inisyatiba bilang bahagi ng mas malawak na kampanya ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

“Kaagapay ng BI ang ating mga lokal at pambansang katuwang sa pagprotekta sa ating mga kababayan,” dagdag niya.