KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
May bogang ilegal laglag sa parak
Christian Supnad
Sep 23, 2025
371
Views
BALANGA CITY, Bataan–Nahuli ng mga pulis dito ang isang illegal gun holder na may pag-iingat ng dalawang loose firearms at mga bala.
Ayon kay Col. Marites Salvadora, hepe ng pulisya, naaresto ang suspek sa Batungbakal St., Brgy. Tenejero, Balanga City, Bataan.
Nahulihan ng isang caliber .38 revolver na may apat na bala at isang sumpak na may tatlong bala ang suspek.
Sinabi ni Salvadora na ang suspek at ang mga ebidensiya ay nasa custody na ng Balanga City Police Station para sa proper documentation at disposition.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

