Laguna

Tao sa Bay, Sta. Cruz dinalhan ng pagkain

Gil Aman Sep 26, 2025
333 Views

NAGDALA ng pagkain sa mga evacuation centers ng Bay at Sta. Cruz si Laguna Gov. Sol Aragones noong Sept. 26.

Mahigit 230 ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaang panlalawigan.

Sa Brgy. Duhat, Santa Cruz, nakatanggap ng libreng food packs ang mga evacuee sa Pilot Evacuation Center.

Kasama ni Gob. Aragones si Mayor Benjo Agarao na kumustahin ang kalagayan ng mga residente.

Sa Brgy. Tagumpay, Bay, nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nananatili roon.

Ayon kay Camp Manager Laarni Fernandez, may ilang evacuee na mula pa noong Hulyo nakatira sa evacuation center dahil sa pagbaha.

Nasa signal no. 3 ang timog na bahagi ng Laguna dahil sa bagyong Opong habang signal no. 2 naman ang nalalabing bahagi ng lalawigan.

Tiniyak ni Gob. Aragones na magpapatuloy ang tulong ng pamahalaang panlalawigan upang walang pamilyang maiwan sa panahon ng kalamidad.