Kulong

Suspek sa panghahalay, timbog

309 Views

CAMP GEN MIGUEL Malvar, Batangas City–Swak sa rehas ang isang suspek sa kasong rape matapos madakma ng mga pulis sa Brgy. Sabang, Tuy, Batangas, noong Huwebes.

Kinilala ang naaresto na si alyas Darwin, 53, ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.

Naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Tuy police Station sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Balayan, Batangas.

Ayon sa hepe ng Batangas police, hahabulin nila ang mga nagtatangkang umiwas sa batas at sisiguraduhing mananagot sa mga ginawa nilang krimen.