Nartatez

Parak bumanat vs droga; 20 tulak, P21M shabu nasamsam

Alfred Dalizon Sep 27, 2025
328 Views

NAKAKUMPISKA ang mga pulis ng halos P21 million halaga ng shabu mula sa 20 naarestong drug suspek sa iba’t-ibang lugar, ayon sa report kay acting Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Apat sa mga naaresto ang nakuhanan ng 500 gramo ng shabu na may value na P3.4 million noong Huwebes sa Brgy. Poblacion, Plaridel, Bulacan.

Sa Lucena City, nahuli ang babaeng drug personality na may pag-iingat na 210 grams ng shabu na may halaga na P1.428 million.

Sa Calinog, Iloilo, 155 na gramo ng shabu na may value na P1.504 million ang nakuha sa isang drug suspek.

Isa pang drug target ang nasamsaman ng 160 grams ng shabu na may valued na P1.088 million noong Huwebes sa Brgy. Macabalan, Cagayan de Oro City.

Sa 11 suspek na tulak na naaresto sa Laguna, Bulacan, Samar, Antique, Iligan City, Misamis Oriental at Cagayan de Oro City, 1.015 kilos ng shabu na may value na P6.66 million ang nakumpiska, ayon sa PNP.

Umabot sa P13 million na halaga ng fully-grown marijuana plants at seedlings ang nawasak sa uprooting at destruction sa Sugpon, Ilocos Sur, dagdag ng PNP.

“These operations reflect our determination to pursue every lead and track down every syndicate. The PNP will not allow drug traffickers to poison our communities and destroy the future of our youth,” sabi ni Lt. Gen. Nartatez.