Estafa Kinilala ni P/Lt. Col. Rommel Anicete, hepe ng Baseco police station 13 ng MPD, ang suspek na may kasong estafa matapos maaresto sa Port Area, Manila.

Dahil sa estafa, lalaki inaresto

Jon-jon Reyes Oct 3, 2025
354 Views

ARESTADO ang lalaki ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Baseco Police Station 13 dahil sa kasong estafa sa Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office sa 2nd St., Port Area, Manila.

Nakilala ang akusado na si alyas Isabelo, 62, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13.

Nahuli ang suspek bandang alas-3:45 ng hapon noong Setyembre 30, ayon sa report.

Hinuli ang suspek sa pangunguna ni P/Lt. Apolonio Ellao sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Tammy Ann Reyes-Mendillo, Presiding Judge ng RTC Branch 22 ng Manila.

Nagpiyansa ang akusado matapos siyang mahuli.

Isa ang akusado sa mga binigyan di umano ng show cause order ni DPWH Secretary Vince Dizon kaugnaya sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.