Suspek Ang mga naarestong suspek dahil sa ilegal na droga sa Sta. Cruz, Manila.

P200K na shabu nabawi sa 3 suspek na tulak

Jon-jon Reyes Oct 5, 2025
325 Views

SWAK sa selda ang tatlong suspek, sa pangunguna ng 2 babae, matapos matimbog ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) na may dalang mahigit P200,000 na halaga ng shabu sa Quezon Blvd. corner Gonzalo Puyat St., Brgy. 308, Quiapo, Maynila noong Linggo.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Che, 42; Honey, 35; at Allan.

Ayon sa mga umarestong sina PSSg Rudolf Niño Fajardo, PMSg Manuel Asuncion, PMSg Ronald De Vera, PSSg Rudvian Manlapas, PSSg Danver Cruz, PSSg Ram Jay Belando at Pat Marcelino Limpio, bandang alas-3:25 ng madaling araw natimbog ang mga suspek.

Hinuli ang tatlo nang nakatanggap ang desk officer ng tawag sa telepono hinggil sa mga suspek na umano’y sangkot sa ilegal na bentahan ng droga, ayon kay PSSg Aaron John Nocum.

Tinungo ng mga pulis ang lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagresulta sa pag-aresto sa mga ito.

Nakumpiska sa tatlo ang 30 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P204,400.