BPPO

2 boga nakuha sa maintenance worker

223 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL Malvar–Nasakote nong Miyerkules ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril sa Brgy. Tabangao Dao, Batangas City.

Napag-alamang maintenance worker ang suspek na si alyas Cesar, 56, ayon sa mga umarestong miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) at Batangas City police.

Nakumpiska mula sa supek ang isang M16A1 cal. 5.56 na rifle at isang ziplock bag na may 93 bala, 18 kahon na bawat isa ay may 15 bala at isang ziplock bag na may 81 bala para sa cal. 5.56 rifle, isang Colt MK IV cal. 45 na kargado ng limang bala.

Inihahanda na ang dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek.