Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Mangingisda tinamaan ng kidlat, tepok
Jojo Cesar Magsombol
Oct 11, 2025
406
Views
NASUGBU, Batangas – Patay antimano noong Huwebes ang lalaking tinamaan ng kidlat habang nasa bukid sa Barangay Bundukan ng bayang ito.
Kinilala ng mga pulis sa Nasugbu ang namatay na si alyas “Allan” na 48-anyos at taga-Sitio Centro, Brgy. Putat, Nasugbu, Batangas.
Bandang alas-12 ng tanghali ang biktima at ang kanyang kasama ay nanghuhuli ng alimango at kabibe sa maputik na bahagi ng Brgy. Bundukan sa Nasugbu nang biglang tumama sa biktima ang kidlat at naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay.
Kaagad dinala ng saksi ang biktima sa kanyang bahay upang ipaalam sa pamilya ang insidente.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

