Calendar
Umiwas sa checkpoint, konsehal huli sa boga, bala
CAMP GEN. MIGUEL C. Malvar–Arestado ang isang barangay kagawad dahil sa pag-iingat ng baril sa Brgy. Lapo-Lapo 1st, San Jose, Batangas noong Linggo.
Kinilala ni Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo ang suspek na si alyas Konsi, 40, konsehal ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report, pinahinto ng mga pulis-San Jose ang isang Nissan Sentra sa police checkpoint dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Napansin ng pulis ang isang kahina-hinalang bagay sa ilalim ng upuan ng drayber at kalaunan natuklasan na baril ang kahina-hinalang bagay.
Isang Federal cal .45 Model 1911 ang baril na may isang magasin at anim na bala.
“Kahit ang mga nasa posisyon ng kapangyarihan ay hindi ligtas sa batas. Ang pag-aresto na ito ay nagpapakita ng aming pangako na panatilihin ang batas nang walang takot o pabor,” sabi ni P/Col. Sibalo.
