Pulis

P2M shabu nakuha sa 6 drug suspek

221 Views

KAMPO BGEN VICENTE Lim–Nakumpiska mula sa 6 na drug suspek ang P2,074,000 halaga ng shabu sa Antipolo, Rizal; at Bacoor at Dasmariñas, Cavite noong Oktubre 13 at 14.

Kinilala ang dalawa sa naaresto na sina alyas Bi, 37; at Ge, 24.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa kanilang pag-aari ang 100 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P680,000 kasama ang ginamit na pera sa buy-bust.

Bandang alas-10:55 ng gabi arestado ng mga operatiba ng Rizal Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Special Operations Unit si alyas Edward, 41.

Narekober mula sa kanyang pag-aari ang 100 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P680,000.

Noong Oktubre 14, 2025, inaresto ng mga operatiba mula sa Bacoor City Police Station Drug Enforcement Unit sina alyas Boss, Eman at Jo at nakuhahan ng 105 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000.

Nagpasalamat sa mga pulis si PBGen. Paul Kenneth Lucas, hepe ng Police Regional Office-4A, sa pagkakahuli sa mga drug suspek.