Huli

Lalaki dinampot sa walang habas na pamamaril

276 Views

CAMP GEN. MIGUEL C. Malvar, Batangas City–Nadakma ng mga pulis ang isang lalaki dahil sa indiscriminate firing sa Brgy. Malibu, Tuy, Batangas,

Ang suspek, si alyas Jerry, 36, napag-alamang naninirahan sa Brgy. Dao, Tuy na inaresto matapos makatanggap ang Tuy police ng report na may isang lalaking walang pakundangang nagpapaputok ng baril sa barangay.

Naabutan pa ang suspek na nasa akto ng pamamaril at nakatayo sa gilid ng kalsada hawak ang isang maikling baril.

Sinubukan ng suspek na itago ang baril ngunit agad siyang nilapitan at pinigil ng mga opisyal.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang cal .38 revolver na may tatlong bala.

Hindi nakapagpakita ang suspek ng dokumento na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon o magdala ng nasabing baril kaya siya ay inaresto at dinala sa presinto.