Rider

‘Man in black’ binoga sa ulo rider sa Batangas

Edd Reyes Oct 16, 2025
237 Views

TINANIMAN ng bala sa ulo ng hindi pa kilalang suspek ang rider na nagpapa-ayos ng motorsiklo Miyerkules ng hapon sa Padre Garcia, lalawigan ng Batangas.

Kaagad na naisugod ng mga saksi sa NL Villa Memorial Medical Center ang biktimang si alyas “Randy” na nananatili pang nasa kritikal na kondisyon bunga ng isang tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo.

Tumakas naman kaagad ang nag-iisang gunman na nakasuot ng ttim na jacket, itim na pantalon, at itim na helmet, sakay ng motorsiklo, patungo sa gawi ng Brgy. Poblacion, Padre Garcia, sa naturang lalawigan.

Sa inilabas na ulat ng Padre Garcia Municipal Police Station, nasa loob ng L and J Motorcycle Repair Shop sa Brgy. Tangob, Padre Garcia si alyas Randy nang dumating ang armadong suspek dakong ala-1:17 ng hapon at kaagad na pinaputukan ng malapitan sa ulo ang biktima.

Nagsagawa naman ng dragnet operation ang puliya subalit bigo silang masakote ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril.