Arson

Pulisya tinutugis rider na sinilaban SUV sa QC

249 Views

TINUTUGIS ng pulisya ang isang rider na sinilaban umano ang nakaparadang sport utility vehicle (SUV) sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa report, nakuhanan ng CCTV ang nangyaring paninilab sa nasabing sasakyan.

Base sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang huminto ang hindi pa nakikilalang rider sa harap ng sasakyan na nakaparada sa Apo Street, Barangay Maharlika sa lungsod.

Agad na pinatungan ng tuwalya ang harapang bahagi ng itim na SUV at saka sinilaban.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at naapula ang apoy sa sasakyan na pag-aari umano ng isang alyas “Bianca.”

Ayon naman kay P/Lt. Col. JL Aguirre, hepe ng La Loma Police Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD), mayroon na umano silang person of interest sa nasabing insidente.