Calendar
Caloocan nagkaroon ng seminar vs bomb threat
NAGSAGAWA ang Caloocan ng seminar para turuan ang mga tao sa pag-handle ng bomb threat at pagtuklas sa bomba.
Katuwang ng lokal na pamahalaan sa seminar ang Philippine National Police-Explosive Ordnance Disposal Unit (EOD-PNP) at Canine Group na may sapat na kaalaman upang pangasiwaan ang mga banta ng pagtatanim ng bomba o anumang uri ng pampasabog.
Lumahok sa seminar ang mga tauhan ng Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), mga security personnel at DRRM marhsals na nakatalaga sa city hall.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, layunin ng seminar ang pagpapahusay sa paghahanda sa natatanggap na bomb threat, pagpapalakas ng koordinasyon at pagtiyak sa kaligtasan na mga empleyado at publiko kapag may bomb threat at iba pang pananakot.
