PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Provincial
Kagawad nagwala, nanggulo ng mga turista, arestado
Jojo Cesar Magsombol
Oct 20, 2025
390
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Inaresto noong Sabado ng mga tauhan ng Tanauan City police ang isang kagawad sa Brgy. Gonzales, Tanauan City dahil sa illegal detention at alarm and scandal.
Kinilala ng mga pulis ang naaresto na si alyas Yan, 42, kagawad ng nasabing barangay.
Ayon sa report, biglang hinarangan ng suspek ang isang bus na puno ng mga turista at pinilit itong huminto
at paulit-ulit pang pinukpok ang salamin nito.
Nagwala pa ang suspek kaya natakot ang mga bisita pati na ang mga tauhan ng theme park.
Inihahanda na ang mga demandang isasampa laban sa kagawad.
Hindi natin papayagan ang mga gawaing karahasan at kaguluhan na makagambala sa kapayapaan, ayon kay P/Col. Giovanny Sibalo, hepe ng Batangas police.
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Masbate City
Nov 15, 2026

