Leachon

Mahalagang usapin sentro ng brgy assembly ng Sta. Isabel

Helen D. Prado Oct 26, 2025
282 Views

CALAPAN CITY – Idinaos ang ika-2 barangay assembly sa Sta. Isabel sa pangunguna ng punong barangay nito.

Ang pagtitipon, ayon kay Mario Masangkay, ang punong barangay, ay tumalakay sa mga mahahalagang ulat tungkol sa mga programa, proyekto at isyung pangkomunidad.

Layunin din ng pagpupulong na masiguro ang patuloy na pag-unlad at maayos na pamamahala sa barangay.

Ipinakita sa pagtitipon ang pakikilahok ng mga residente para sa isang mas maunlad, ligtas at disiplinadong Sta. Isabel sa ilalim ni Mayor Doy Leachon.