Lopez Nagsagawa ng masusing security inspection sina Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Trasport Security Chief Gilbert Cruz at DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez upang tiyaking maayos at ligtas ang mga biyahero ngayong Undas. Kasabay nito, dumalo rin sina Lopez, Cruz at PITX Head for Private & Government Relations Jason Salvador sa isang punong balitaan sa Cafe Adriatico sa Ermita, Manila. Mga kuha ni JONJON C. REYES

Cruz, Lopez nagsagawa ng masusing security inspection upang tiyak na ligtas mga byahero ngayong Undas

Jun I Legaspi Oct 29, 2025
265 Views

Lopez1SA direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tiyaking ligtas at protektado ang bawat pasahero sa lahat ng pantalan at transport terminals sa bansa, at sa utos ni Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez, nagsagawa ng masusing security inspection si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz sa Manila North Harbor Port nitong Miyerkules.

Layunin ng inspeksyon na matiyak na ang port at ship operators ay mahigpit na sumusunod sa itinakdang security standards at anti-terrorism measures ng OTS, alinsunod sa pambansang layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa mga transportasyon.

Kasama ni Usec. Cruz sa isinagawang inspeksyon ang Maritime Security Auditors mula sa OTS upang mapanatiling ligtas ang mga pantalan laban sa anumang banta ng karahasan o terorismo.

“Ang mandato ng OTS ay tiyaking handa ang ating mga port operators sa anumang posibleng banta. Ang seguridad ng bawat pasahero ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi isang kolektibong tungkulin nating lahat,” ani Usec. Cruz.

Ang nasabing inspeksyon ay bahagi ng nationwide transportation security initiative ng OTS, kasabay ng pagtaas ng volume ng mga biyahero sa mga pantalan lalo na sa nalalapit na Undas.

Bilang parte ng inspeksyon, nagpamahagi din ng ilang Go-Bags na naglalaman ng alcohol, wet wipes, plastic antiseptic strips, at informational materials si Usec. Cruz sa mga pasahero.