Kapunan: Hindi si VP Sara ang biktima
Oct 14, 2026
VP Sara hindi na kailangang magbitiw –Abante
Oct 14, 2026
Calendar
Provincial
Parak hinuli 2 suspek sa krimen sa NE
Steve A. Gosuico
Nov 1, 2025
1724
Views
LUNGSOD NG CABANATUAN–Nasakote ng mga pulis sa dalawang sementeryo sa Nueva Ecija noong Sabado ang dalawang suspek sa Gitnang Luzon.
Sa General Natividad, sinakote sa Talabutab Norte Cemetery alas-6:05 ng umaga si alyas Ed, 35.
Ayon kay Major Angelito Manalastas, naaresto si alyas Ed dahil sa pagpatay.
Sa isa pang manhunt, nahuli ng mga operatiba ng Jaen police si alyas Turo, 59, dahil sa panghahalay sa sementeryo sa Brgy. Don Mariano Marcos dakong alas-4:45 ng umaga.
Pinuri ni P/Col. Haryl Bruno, hepe ng Nueva Ecija police, ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon.

