Laguna

Laguna naglunsad ng BION

Gil Aman Nov 1, 2025
206 Views

STA. CRUZ, LAGUNA— Nagkaroon ng Barangay Information Officers Network (BION) orientation sa Laguna noong Huwebes na iniutos ni Gov. Sol Aragones.

Pinangasiwaan ng Paete, Laguna ang orientation at dinaluhan ng mga barangay information officers mula sa Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil at Cavinti.

Layunin nitong palakasin ang ugnayan at pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon sa komunidad.

Nagbigay ng mensahe si Mayor Ronald Cosico ng Paete at nagpahayag si Frank Albert Dela Rosa, Municipal Information Officer ng Paete, ng pasasalamat sa mga kalahok.

Nagpaabot ng mensahe si Patrick Hidalgo na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga barangay information officer.

Nagsalita sina Charmaine Odong at Christopher Hedreyda ng Philippine Information Agency (PIA) hinggil sa social media etiquette, basic event captioning, debunking fake news and disinformation at data privacy.