2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
Calendar
Metro
Bumaril, pumatay timbog sa QC
Melnie Ragasa Jimena
Nov 4, 2025
543
Views
NATIMBOG ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa security guard sa Quezon City noong Lunes.
Dinakip ang 44-anyos na suspek ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD sa kanyang hideout sa Brgy. Culiat dakong alas-11:25 ng gabi.
Siya ay kinilala ng saksi na bumaril at nakapatay sa biktimang si alyas Malang sa Brgy. Talipapa.
Nakunan sa CCTV na naka-duty si Malang sa automotive shop noong Linggo nang pagbabarilin ng maraming beses ng suspek bandang alas-5:25 ng hapon at saka tumakas sakay ng motorsiklo.
Nakuha mula sa suspek ang kalibre .38 na baril nang maaresto.
Inihahanda na ang mga kasong pagpatay at illegal possession of firearm na isasampa laban sa suspek.
2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Oct 11, 2026
9-anyos nagsumbong ukol sa paggahasa ng ama
Oct 10, 2026

