Teves

Social media at online accounts kailangan na munang iparehistro bago makapagbukas batay sa panukala ng isang kongresista

Mar Rodriguez Jul 27, 2022
196 Views

UPANG mahinto na ang cyber bullying, harassment at talamak na online scam sa “social media, isinulong ngayon ng isang kongresista ang isang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng “authentication process” sa lahat ng “social media at online accounts”.

Sa ilaim ng House Bill No. 129 na isinulong ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves, Jr. layunin ng kaniyang panukala na bago makapagbukas ng anomang “social media at online accounts” ang isang indibiduwal ay kailangan munang magkaroon ng “authentication process”.

Ipinaliwanag ni Teves na ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-rehistro ng kanilang “social media at online accounts” gamit ang kanilang “valid government ID at Barangay certificate.

Aminado ang mambabatas na masyado ng inaabuso ng ilang indibiduwal ang “social media at online accounts”. Kung saan, ito aniya ang pinagmumulan ng harassment sa pamamagitan ng mga “bash”, paninira at talamak na bentahan ng illegal na droga.

“This bill seeks to require a mandatory authentication process for all social media and other similar online accounts enjoyed by users in the country. It aims to address cyber bullying, harassment, online scam, libel and illicit drug trade and prostitution,” sabi ni Teves.

Gayunman, sinabi pa ng Visayan solon na malaki din naman ang pakinabanga sa pagkakaroon ng mga “social media at online accounts” dahil sa pamamagitan nito ay madaling naipararating sa mamamayan ang lahat ng impormasyon na kailangan nilang malaman.

Subalit binigyang diin ni Teves na may ilan din naman ang kinakasangkapan ang “social media at online accounts” para isagawa ang kanilang illegal na gawain.