PNPA

PNPA naghahanda sa entrance test

218 Views

SUMAMA si P/Col. Richard Bad-Ang, chief of the Regional Staff, sa courtesy call ng mga examiners mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp BGen Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna.

Ang aktibidad ay nagsilbing plataporma upang palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng PNPA at PRO-4A bilang paghahanda sa PNPA Cadet Admission Test (PNPACAT).

Kasunod ng courtesy call, isang press briefing ang isinagawa upang itaas ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang mga kwalipikadong aplikante na ituloy ang balak magtrabaho bilang pulis.

Ipinahayag ng PRO-4A ang suporta sa kampanya sa pangangalap at impormasyon ng PNPA.