Calendar
SPES participants tumanggap ng sweldo
STA. CRUZ, Laguna–Namigay ang Laguna, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), ng sweldo sa mga kasapi sa Special Program for the Employment of Students (SPES) noong Nobyembre 8 sa Laguna Sports Complex.
Libu-libong mag-aaral mula sa iba’t ibang bayan at syudad ng lalawigan ang dumalo upang matanggap ang kanilang pinaghirapang kita matapos makibahagi sa summer employment.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DOLE, mga opisyal ng lalawigan at mga katuwang na lokal na pamahalaan na nagtulong-tulong upang maging maayos ang pamamahagi ng sahod sa mga benepisyaryo.
Nagpasalamat ang mga mag-aaral sa malaking tulong sa pagbabayad ng matrikula, pagbili ng gamit pampaaralan at iba pang pangangailangan sa pag-aaral dahil sa sweldong natanggap nila.
Ang kaganapang ito ay naging pagkilala rin sa kanilang sipag at tiyaga sa panahon ng pagtatrabaho sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan at pribadong institusyon.
Pinatutunayan ng SPES payout ang matibay na suporta ng lalawigan sa mga programang naglalayong mag invest sa kinabukasan ng kabataan.
Sa tulong ng DOLE at Laguna, higit pang mga mag-aaral ang nabibigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang pag-aaral habang nagkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho.

